top of page

1,020,000 PESOS NA HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASABAT NG PDEA BARMM SA ISANG DRUG-BUST

Lerio Bompat | iNEWS | January 28, 2022


Courtesy: Philippine Drug Enforcement Agency BARMM


COTABATO CITY, Philippines - Isang daan at limampung gramo ng hinihinalang shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM sa isang drug bust operation sa Barangay Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao, alas dose kwarenta y singko kaninang hapon.

Naaresto naman ang isang trenta y siete anyos na si Yusoph na sinasabing responsible sa bentahan ng iligal na droga sa mga kalapit bayan sa Maguindanao.


Residente ng Barangay Bongabong at Barangay Simuay, Sultan Mastura, Mgauindanao si Yusoph.


Nakumpiska at narekober ng otoridad sa operasyon ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihilang shabu na nagkakahagala ng isang milyon at dalawampung libong piso, buy bust money, isang cellphone, isang motorsiklo, iba’t ibang identification cards at cash na Php 2,100.


Inihahanda na ng PDEA BARMM ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa naarestong si Yusoph.


Kaakibat ng DPEA BARMM sa matagumpay na operasyon ang Maguindanao Provincial Intelligence Unit (PIU), Tactical Operation Group (TOG) 12, 300th Air Intelligence and Security Wing (AISW), Regional Highway Patrol Unit (RHPU) BARMM at Sultan Mastura PNP.

9 views0 comments