Amor Sending | iNEWS | December 7, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of Cotabato
Cotabato City, Philippines - Matapos magtapos sa labing limang araw na deradicalization program ang animnaput pitong karagdagang former rebels sa North Cotabato, noong November 29, 2021. Namahagi ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ang Department Of Social Welfare And Development Field Office Xii (DSWD FO XII) sa 67 na dating miyembro ng New People’s Army (NPA) kahapon, araw ng Lunes ika-anim sa buwan ng Disyembre.
Abot sa 1, 340,000 na livelihood assistance ang ipinamahagi ng DSWD Region 12, kung saan bawat isang former rebels ay nakatanggap ng tig P20,000 na halaga bilang panimulang puhunan para sa kanilang pagkabuhayan.
Ang apatnapu’t tatlo (43) sa naturang mga former rebels ay mula sa bayan ng Arakan; 9 mula sa bayan ng President Roxas; 4 mula sa Bayan ng Makilala; 2 naman mula sa Antipas; 7 mula sa Tulunan; 1 sa M’lang at 1 mula sa Kidapawan City.
Ginanap ang pamamahagi ng livelihood settlement grant sa loob ng compound ng provincial capitol sa barangay Amas, Kidapawan City.
Ipinamahagi rin sa naturang aktibidad ang tig-5,000 cash assistance para sa 13 na kasusuko pa lamang na mga rebelde.