1.8M PISONG HALAGA NG SMUGGLED CIGARETTES, NASAMSAM SA BASILAN; TATLONG INDIBIDWAL, ARESTADO!

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Nasamsam ng mga operatiba ng Hadah Muhamad Municipal Police Station ang nasa Php1,820,000 na halaga ng smuggled cigarettes sa kanilang isinagawang Seaborne Patrol sa Barangay Dasalan, Hadji Muhtamad, Basilan nitong linggoo.


Ayon sa ulat ng pulisya, habang nagpa-patrolya, nadatnan ng mga ito ang isang

Photo courtesy : PRO BAR


motorbanca na galing Sulu at tutungo sana papuntang Zamboanga City at nang inspeksyunin, puno ito ng mga samu't-saring sigarilyo.


Tuluyan inaresto ang tatlong indibdwal na sina Alyas Manod, Salomia at Lawama matapos na walang maipakitang kaukulang dokumento.


Tinurn over na ng mga otoridad sa Bureau of Customs ang nasamsam na mga smuggled cigarettes at habang mahaharap na ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 8424.


End







0 views