1 KUMANDER AT 5 TAUHAN NITO, SUMUKO SA MILITAR SA DATU PAGLAS LGU


Kate Dayawan | iNEWS | November 25, 2021

Photo courtesy : 6th Infantry Division - Kampilan


Cotabato City, Philippines - Boluntaryong sumuko sa lokal na pamahalaan ng Datu Paglas, Maguindanao at sa 40th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang Field Commander kasama ang limang miyembro nito kahapon, November 24.


Kasamang isinuko ng mga ito ang isang 5.56mm M16 A1 rifle, isang Ultimax 100 Singapore-made 5.56mm light machine gun, isang 7.63mm M14 rifle, dalawang locally made Barret Sniper rifle at isang RPG.


Pinuri ni MGen. Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, ang 40IB at lokal na pamahalaan ng Datu Paglas.


Aniya, ang pagsuko ng isang field commander at mga miyembro ay malinaw na nagpapakita ng patuloy na paghina ng kanilang organisasyon.


Umaasa ang heneral na sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at pagpalatupad ng AGILA-HAVEN Program ng Maguindanao Province, marami pang mga miyembro ng BIFF ang susuko at piliing mamuhay ng normal kasama ang kanilang mga pamilya.





89 views