1 MIYEMBRO NG BIFF PATAY MATAPOS MAKA-ENGKWENTRO ANG MILITAR SA TALAYAN, MAGUINDANAO

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES




Sa report mula sa 6th Infantry Division ng Philippine Army, isang miyembro ng BIFF nasawi sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga elemento ng 601st Brigade sa Barangay Damablac, Talayan, Maguindanao madaling araw kahapon.


Labing walong kasapi ng BIFF ang nakasagupa ng militar sa ilalim ng Bungos Faction.


Sa naganap na sagupaan, sugatan ang isang 46-anyos na sibilyan na kinilala si Utain Kalantungan na agad dinala sa pagamutan sakay ng military vehicle.


Ayon kay 6th ID at Joint Task Force Central Commander, Major General Roy Galido bukas ang gobyerno sa sino mang magbabalik loob sa gobyerno.


Sa rekord ng Kampilan Division, isang daan at limampu’t apat na ang mga miyembro ng BIFF na nagbalik loob sa gobyerno simula Enero ngayong taon hanggang kasalukuyan.

50 views