Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sa report ng Zamboanga City PNP, patay ang trentay y otso na drug supplier na si Alyas William matapos mauwi sa shootout ang ikinasang anti-drug operation ng otoridad sa Sitio Pinya, Baranagay Bungiao sa Zamboang City nitong linggo, September 11.
Ayon sa Zamboanga City Police Office, habang isinasagawa ang operasyon, nakatunog umano ang suspek na pulis ang kaniyang ka-transaksyon kaya pinaputukan umano ang undercover agent na nagpanggap bilang poseur buyer at swerteng hindi ito natamaan. Napilitan namang gumanti ng putok ang mga operatiba na ikinasawi ng suspek matapos tamaan ng bala sa dibdib nito.
Samantala, arestado naman ang kasama ng suspek na si Alyas Vincent.
Narekober sa naturang operasyon ang nasa anim na pung gramo ng hinihinalaang Shabu, isang M2 Carbine Rifle, KG9 9-millimeter pistol, .45 pistol, cellphone, pitumpung piraso ng isang libong pisong boodle money at isang 1,000 peso genuine bill bilang marked money.
Ayon sa pulisya, ang nasawing si Alyas Williams din ay sangkot sa mga criminal activities gaya ng cotract kiling, pagnanakaw, hold-up, extortion, at carnapping.
Samantala, arestado din ang siyam na drug suspects naman ang arestado ng Philippine Drug Enorcement Agency katuwang ang pulisya sa Don Toribio Street, Barangay Tetuan, Zamboang City nitong sabado, September 10.
Sa report, bandang alas kwatro y media ng [hapon?] naaresto ang drug den owner na si Alyas Saudi at ang kaniyang dalawang bisita na sina Layas Jhamar at Alyas Edsel. Nasamsam sa mga pag-iingat nito ang nasa 129 thousand and 200 pesos na halaga ng iligal na droga.
Labin limang minuto lang ang nakalipas, naarestado naman ng mga operatiba ang isang Alyas Emil, isa ring drug den owner at ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Alyas Wilson at Arnold.
Narekober sa kanilang pag-iingat ang nasa 129 thousand pesos na halaga ng hinihinalaang Shabu.
Sumunod na inaresto ang tatlong suspek na sina Alyas Roseller, Edgardo at ALyas Allein at nasamsam sa mga ito ang nasa 102 thousand pesos na halaga ng iligal na droga.
Nahararap na ang siyam na suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.