top of page

1 PATAY, 4 SUGATAN MATAPOS MAKURYENTE SA PARANG, MAGUINDANAO

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 21, 2022

Photo courtesy : Abdulla Mamatos


Cotabato City, Philippines - Nakuryente ang limang indibidwal na magkakabit lang sana ng poste na bakal sa Puro Dulangan, Barangay Nituan, Parang, Maguindanao.


Isa sa mga biktima ang nasawi habang apat naman ang sugatan.


Ayon sa hepe ng Parang PNP, Police Lieutenant Colonel Joseph Macatangay, nangyari ang insidente alas otso kwarenta ng umaga, araw ng sabado, March 19, 2022.


Ito ang pahayag ni Police Lieutenant Colonel Joseph Macatangay, COP, Parang MPS

“ang nangyari po, habang ikinakabit po nila yong poste na bakal, intended para sa antenna ng icom radio nila na pagmamay-ari ng isa sa mga biktima so habang ikinakabit po nila ang poste tumama po iyong dulo ng bakal doon sa main live wire ng poste ng kuryente”


Kinilala ang nasawi na si Mike Bello Palte.


Isinugod naman ang apat na sugatan sa insidente na kinilalang sina Mosib Emat, Nasrodin Tegasan,Usman Karim at Joebert Emat.


Nakuhanan naman ng video ng residenteng si Abdulla Mamatos ang insidente na tiyempong napadaan sa lugar.


END.



1 view
bottom of page