top of page

3 SIBILYAN, SUGATAN MATAPOS TAMAAN NG LIGAW NA BALA SA BAKBAKAN SA PAGITAN NG MAGKALABANG KUMANDER

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Tatlong sibilyan ang tinamaan ng ligaw na bala sa bakbakan sa pagitan nina Kumander Lak ng Moro National Liberation Front -Misuari Faction at Kumander Renz ng Moro Islamic Liberation sa baranagay Sambulawan Midsayap 1, SGA, BARMM.




Photo courtesy : 6th ID


Ito ang sinabi ni 6th Infantry Division LTCOL Dennis Almorato sa iMinds Philippines. Base sa pinakahuling ulat sa naturang bakbakan, may nasugatan din sa dalawang grupo.


Ayon naman kay PLTCOL Rolly Oranza, personal na alitan umano ang dahilan ng nangyaring bakbakan


Sa pinakahuling report mula sa militar, naayos na ang girian sa pagitan ng dalawang kumander matapos isagawa ang isang dayalogo kahapon ng Philippine Army, Local Government Unit ng Misayap, MILF-CCCH, at barangay officials.


Sa ngayon na natigil na ang girian, dahan-dahan nang bumabalik ang mga residente sa kani-kanilang mga tahanan.


End



1 view
bottom of page