Joy Fernandez | iNEWS | December 7, 2021

Photo courtesy : 6th Infantry Division Kampilan
Cotabato City, Philippines - Sinabi ni 38th IB Commander, Lieutenant Colonel Anhouvic Atilano, na naka-engkwento ng kanilang tropa ang hindi pa matukoy na bilang ng NPA sa ilalim ng Platoon Central, Guerilla Front Musa sa liblib na barangay ng Kiamba Sarangani, umaga ng Lunes, Disyembre a sais.
Nasamsam ng militar ang isang 5.56mm m16 a1 rifle at mga war materials matapos ang tatlumpong minutong palitan ng putok
Ayon kay 6th ID Commander, Major General Juvymax Uy, tumanggap sila ng report hingil sa presensya ng mga armado sa lugar na nangingikil sa mga residente.
Mula Enero hanggang kasalukuyang mahigit isang daang mga dating miyembro ng communist terrorist group ang sumuko na sa Joint Task Force Central mula sa iba’t ibang panig ng South Central Mindanao.