top of page

10,957 MIYEMBRO NG MILF AT MNLF, SUMAILALIM NA SA NSQEE NG NAPOLCOM

Kael Palapar

COTABATO CITY - Maaga pa lamang kahapon, araw ng linggo, dagsa na sa labas ng Notre Dame University ang mga aplikante mula sa hanay ng MILF at MNLF na sumailalim sa National Special Qualifying Eligibility Examination ng NAPOLCOM.


Ayon sa NAPOLCOM, mula sa 11,076 na nagsumite ng kanilang aplikasyon, 10,957 lamang ang sumailalim sa NSQEE.


119 ang hindi sumipot. 112 Sa Cotabato City at Pito ay mula sa Basilan.


Isa sa mga kumuha ng pasulit ay si Khomenie mula sa hanay ng MNLF. Maaga itong gumising para maaga din sa pila.


Ayon kay Khomenie matagal na niyang pangarap na maging isang pulis. Kapag natupad ito ay malaking tulong din umano sa kanyang pamilya.


"Mahalaga ito dahil binigyan kami ng pagkakataon na ganito." ani Khomenie.


"We are very happy with the turn out, approximately around 96 to 97 percent attendees hopefully we would be able o cater more of them in the coming exams." ayon pa kay NAPOLCOM Commissioner Beatrice Aurora Cancio


Notre Dame University: 1,772/1,800

Cotabato City National High School Main Campus: 772/780

Cotabato State University: 743/750

Sero Central School: 972/975

Cotabato City Central Pilot School: 1,042/1080

LR Sebastian Elementary School: 779/780

Notre Dame Village High School: 950/975

Notre Dame Village Elementary School: 749/750

Tamontaka Elementary School: 539/540

Pilot Provincial Science High School: 462/465

Lamitan National High School: 462/465

Claret School of Lamitan: 557/559

Lamitan Central Elementary School: 598/600


Ang pagiging passer ng National Special Qualifying Eligibility Examination ng NAPOLCOM ang isa sa mga requirements ng isang qualified na miyembro ng MILF AT MNLF para PNP integration na isinasaad sa Article 11, Section 2 ng Republic Act 11054 o ang Bangsamoro Organic Law na nakapaloob sa political track sa ilalim Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.


Personal na tinungo ni GPH Ad Hoc Joint Action Group o AHJAG Chair, Police Major General Eden Ugale sa testing centers kasama ang mga opisyal mula sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region at NAPOLCOM National and BARMM offices.


"We are moving forward, we have acheived so far mahaba na ang ating naachieve as far the implementation of the peace agreemen tis concern. We are on track and we are hoping we will be able to have our exit agreement as scheduled." giit ng opisyal.


Sa ilalim ng NAPOLCOM Resolution 2022-0081, mula sa mahigit 10,000 na sumailalim at papasa sa SQEE, 5,060 lamang ang mapipili sa unang batch ng training hanggang sa maging ganap na pulis.


"You have to understand, the napolcom limits itself with the processing of the examination. as to the determination of who are the members of MILF and MNLF, we'll leave it to the ad hoc commitee of the barmm for the entry of the milf and mnlf. meron pong nacreate na ad hoc commitee for that purpose." ani Atty. Ysnaira Ibrahim, ang Chairman ng Police Regional Apellate Board ng NAPOLCOM-BARMM.

Hinggil sa magiging hatian sa inilaang 5,060 na sasailalim sa paunang training upang maging ganap na pulis, malaking bilang nito ay magmumula umano sa hanay ng MILF at maaring 30 percent lamang ang para sa MNLF.


Bagay na pag-uusapan pa ng Ad Hoc Committee ng Bangsamoro Government.


29 views
bottom of page