10 miyembro ng Communist Terrorist Group, sumuko sa PNP sa Sultan Kudarat

Kate Dayawan | iNEWS | December 28, 2021



PHOTO COURTESY: PRO-12


Boluntaryong sumuko sa Regional Mobile Force Battalion 12 at Bagumbayan Municipal Police Station sa lalawigan ng Sultan Kudarat ang sampung miyembro ng Communist Terrorist Group.


Ang mga sumukong indibidwal ay sinasabing kabilang sa Platoon Arabo, Platoon Nokia at Platoon Cherry Mobile ng Guerilla Front 73 MUSA ng Far South Mindanao Regional Committee.


Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang isang caliber .45 pistol na may pitong bala, isang M16 rifle na may dalawang magazine, isang bandolier, isang IED, isang hand grenade at medical supply, isang caliber 5.56 homemade pistol, isang 38 revolver, isang caliber 9mm homemade pistol at apat na homemade 12-gauge shotgun.


Ang nagbalik-loob na mga indibidwal ay dinala sa Battalion Headquarters ng RMFB 12 para sa debriefing, documentation at proper disposition upang mai-enroll na sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng gobyerno.


Pinuri naman ni PBGen. Alexander Tagum, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang pagbabalik-loob ng sampung CTG.


Ipinapakita lamang umano nito na matagumpay ang kampanya ng gobyerno kontra terorismo.


18 views