top of page

10 NPA members, sumuko sa militar sa Sultan Kudarat

Kate Dayawan | iNEWS | October 19, 2021


Cotabato City, Philippines - Sa report ng 7th Infantry Battalion, mga miyembro ng humihinang Platoon My Phone ng East Daguma Front, South Regional Command - Daguma, Far South Mindanao Region ng New People's Army ang pitong sumukong rebelde.


Araw ng Linggo, October 17 nang tinanggap ito ng 7th Infantry Battalion sa Isulan, Sultan Kudarat.


Ayon sa military ang kanilang pagsuko ay resulta umano ng Community Support Program Operation na ipinatutupad ng 7IB kung saan pinalalakas nito ang kanilang Information Education Campaign na nagbibigay kamalayan sa mga Indigenous Peoples o IPs.


Ang grupo ay pinangunahan ng isang alyas Oyet kung saan sinabi nitong lubos ang kanilang pagsisisi sa kanilang pagsapi sa Communist Terrorist Groups.


Sinabi nito na simula noong pumasok sila ay wala na umano silang maayos na pahinga dahil lagi silang umiiwas sa operasyon. Aniya, walang Panginoon ang makakaligtas sa kanila.


Malugod namang tinanggap ng 7IB sa pamumuno ni Lt. Col. Romel Valencia ang mga sumukong indibidwal.



Agad na inendorso ng 7IB ang pitong indibidwal sa lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat upang kanilang ang mga benepisyo mula sa mga programang inilaan ng gobyerno para sa kanila.


Nagpapasalamat naman si Lt. Col. Valencia sa mga stakeholders na agad nagpaabot ng tulong para sa mga dating rebelde.


Aniya, katunayan ito ang gobyerno sa pamamagitan ng whole-of-nation approach ay seryoso sa kanilang mandato na wakasan ang Local Armed Conflict na nagresulta sa sunod-sunod na pagsuko ng NPA sa 7IB.




0 views0 comments