10 PAMILYA SA SITIO BIARONG, NURO, UPI, MAGUINDANAO, NAWALAN NG TIRAHAN DAHIL SA LANDSLIDE

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 9, 2022

Photo courtesy : Ist Maneuver Platoon, Ist Mag.PMFC


Cotabato City, Phils - Humihingi ngayon ng tulong ang sampung pamilya na nawalan ng tirahan matapos na madaanan ng landslide kagabi sa Purok 3A, Sitio Biarong, Nuro, Upi, Maguindanao.


Bunsod ito ng walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan kagabi dulot ng Low Pressure Area.


Ito ay ayon sa Facebook post ng netizen na si Belmarie Diestro Escriba kaakibat ang mga larawang kuha sa lugar.


Sa naging panayam naman ng iNews Philippines sa isa sa mga maging biktima ng landslide, ikwinento nito kung paano naganap ang pangyayari at kung paano sila nakaligtas.


Bagama’t kokonti lang ang naisalbang gamit, maswerte pa rin naman umano sila at walang naitalang casualty sa pangyayari.



End.



5 views