top of page

100 DAYS NI MAYOR BRUCE MATABALAO, PRODUKTIBO AT MAAKSYON AYON SA ALKALDE

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Kongkreto at nakikita ang programa at serbisyo ng bagong administrasyon para sa Cotabato City.


Isa lamang ito sa nasaksihan ng residenteng si Raiden.


Binigyang diin ng alkalde ang paglalagay ng solar lights…

Photo courtesy: City Govt of Cotabato


Ayon kay Mayor Matabalao, dahil sa maayos na business policies, tumaas ang bilang ng business permits renewal and new businesses at tumaas din ng 10 percent ang tax collection ng City government.


Ang pag lift nito ng curfew bilang tugon ng mga micro entrepreneurs kasabay ng pagpapatupad ng police visibility ang isa sa mga tinutukan ng kasalukuyang administrasyon.


Hinimay din ng alkalde ang pagbibigay solusyon sa umaapaw na drainage, basura at baha.


Prayoridad din ang serbisyong medikal at sinisimulan na ang pagtatag ng dialysis center upang hindi na pumunta sa ibang lugar ang mga dialysis patient ng lungsod sa ibang lugar upang magpagamot.


Hanggang sa taong 2025 bilang Alkalde ng lungsod, pangako nito ang pagpapatupad pa ng mga inclusive program, projects at policies para sa mamamayan.


End


1 view
bottom of page