top of page

100 MIYEMBRO NG ABU SAYAFF NA SUMUKO SA GOBYERNO, IPRENISINTA KAY DILG SECRETARY BENHUR ABALOS

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Iprenisinta ni Maj. Gen. Patrick Villacorte ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) kay DILG Secretary Benhur Abalos ang isang daang sumuko na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu, araw ng sabado, July 30.


Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas.


Nangako si Abalos tutulungan nito ang mga sumukong ASG sa pamamagitan ng nagpapatuloy na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).


Matatamasa ng mga sumukong ASG ang food assistance na nagkakahalaga ng Php5000; financial assistance; pagiging kabilang ng sa summer job program na may Php5000 na incentives kada buwan kapag naaprubahan ang kanilang aplikasyon; at Alternative Learning System (ALS) para sa mga menor de edad na miyembro.


Ang mga sumuko ay makakatanggap din ng mga interbensyon tulad recovery support program, social healing and reconciliation, spiritual and moral enhancement, health and wellness program, livelihood training, and capability build-up upang matulungan sila para sa kanilang muling pagsasama sa pangunahing lipunan.


Si Maj. Gen. Eden Ugale, officer-in-charge ng Area Police Command-Western Mindanao, ang nanguna sa panunumpa ng katapatan ng mga sumukong ASG.


Sina Lt. Gen. Vicente Danao, PNP officer-in-charge, Sulu Governor Abdusakur Tan at iba pang matataas na opisyal ng pulisya, militar, at gobyerno ang sumaksi sa seremonya ng pagsuko ng 100 miyembro ng ASG.

0 views
bottom of page