Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 31, 2022

Cotabato City, Philippines - Tinukoy ng PNP BARMM na areas of concern ang isang daan at dalawang bayan sa buong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Limampung munisipyo ang isinailalim sa yellow category, tatlumpo’t apat ang nasa category orange, 17 ang nasa category green at 18 ang nasa category red.
Sa labing walong bayan na nasa ilalim ng areas of concern category red, sampu mula sa probinsya ng Maguindanao na kinabibilangan ng -
AREAS OF CONCERN MAGUINDANAO [CATEGORY RED]
1.Rajah Buayan
2.Sultan sa Barongis
3.Datu Hoffer Ampatuan
4.Datu Piang
5.Datu Salibo
6.Datu Saudi Ampatuan
7.Datu Unsay
8.Mamasapano
9.Shariff Aguak
10.Shariff Saydona Mustapha
Apat na bayan naman sa Lanao Del sur ang isinailalim sa areas of concern category red na kinabibilangan ng
AREAS OF CONCERN LANAO DEL SUR [CATEGORY RED]
1.Butig
2.Tubaran
3.Malabang
4.Marawi City
Apat din sa probinsya ng Basilan ang isinailaim sa category red ng election areas of concern
AREAS OF CONCERN BASILAN [CATEGORY RED]
1.Al Barka
2.Sumisip
3.Ungkaya Pukan
4.Lamitan City
Simula nang ipatupad ang Comelec Gun Ban.
Nakapagtala ng tatlumpo’t dalawang gun ban violations ang PNP BARMM
30 indibidwal ang naaresto
42 na mga armas ang nakumpiska
Ang PNP PRO BAR ay nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at na sumuporta sa peace covenant signing ng PNP as sign of commitment which also send a strong signal to their followers and supporters that this coming election will be free from any forms of violence. Sana po ay makiisa sila sa ating adhikain hanggang matapos ang election na walang mangyaring insidente na may kinalaman sa election
End