Lerio Bompat | iNEWS Phils | March 2, 2022

Cotabato City, Phils - Sa BARMM, mula sa 118 bayan at syudad, 102 ang mga bayan na itinuturing ng PNP BARMM na election hotspots
Sa classifications of election hotspots ng COMELEC-
May apat na kulay na kategorya.
Ito ay ang green, yellow, orange at red.
Ang category green ay ang mga lugar na walang security concern o relatively peaceful o orderly.
17 na mga bayan ang isinailalim dito
2 sa Lanao Del Sur.
4 sa Maguindanao.
2 sa Basilan.
9 sa Sulu.
Ang category yellow naman ay ang mga lugar na nagkaroon ng suspected election related incidents sa nakalipas na dalawang halalan at walang mga naiulat na partisipasyon ng domestic threat groups.
Mayroong intense political rivalry.
May posibilidad ng employment ng partisan armed group ng mga kandidato sa lugar..
At dati nang dineklara under comelec control.
At ang COMELEC en banc ay maaring magbigay ng direktiba ng dagdag na pwersa ng PNP at AFP kung kinakailangan.
Napabilang dito ang
27 bayan sa Lanao Del Sur
5 sa Maguindanao
5 sa Basilan
1 sa Sulu
11 sa Tawi-Tawi
At 1 sa Cotabato City
Ang orange category ay ang kombinasyon ng dalawa o higit pa sa mga nailahatag na basehan mula sa category yellow.
Ito rin ang mga lugar na mayroong serious armed threat mula sa NPA, BIFF, ASG, rogue elements ng MNLF, MILF at iba pang grupo.
ang COMELEC en banc ay maaring magbigay ng direktiba ng dagdag na pwersa ng PNP at AFP kung kinakailangan-
At pagpapatupad ng reshuffling ng police force sa mga lugar
Kabilang dito ang
7 bayan sa Lanao Del Sur
17 sa Maguindanao
1 sa Basilan
At 9 sa sulu
Ang red category ay ang mga lugar na mayroong isa o higit pang basehan mula sa category yellow.
Mayroong serious armed threat mula sa NPA, BIFF, ASG, rogue elements ng MNLF, MILF at iba pang grupo.
ang COMELEC en banc ay maaring magbigay ng direktiba ng dagdag na pwersa ng PNP at AFP kung kinakailangan-
pagpapatupad ng reshuffling ng police force sa mga lugar-
At posibleng isaialim sa COMELEC control
Ito ay kinabibilangan ng
3 bayan at 1 syudad sa Lanado Del Sur:
Ang BUTIG, MARAWI CITY, TUBARAN at MALABANG
10 naman sa Maguindanao na kinabibilangan ng
RAJA BUAYAN, SULTAN SA BARONGIS, DATU HOFFER AMPATUAN, DATU PIANG, DATU SALIBO, DATU SAUDI AMPATUAN, DATU UNSAY, MAMASAPANO, SHARIFF AGUAK AT SHARIFF SAIDONA MUSTAPHA
3 bayan at 1 syudad naman sa Basilan ang nasa ilalim ng category red:
Ito ang AL-BARKA, LAMITAN CITY, SUMISIP at UNGKAYA PUKAN.
Sa araw ng halalan sa BARMM, 6,501 police personnel ang ipapakalat sa buong rehiyon.
Mayroong pulis na entrance at exit ng polling center, maging sa holder area at triage.
End