top of page

11 MIYEMBRO NG ABU SAYYAF GROUP, SUMUKO SA MILITAR SA BASILAN

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 31, 2022

Photo courtesy : Western Mindanao Command


Cotabato City, Philippines - Sumuko ang labing isang miyembro ng Abu Sayyaf Group kabilang na ang isang sub-leader nito sa Joint Task Force Basilan noong araw ng Martes, March 29, sa Barangay Serongon, Hadji Mohammad Ajul, Basilan.


Ayon kay Brig. Gen. Domingo Gobway, Commander ng JTF Basilan, sumuko ang mga nasabing indibidwal apat na araw matapos ang pagkakapatay sa ASG Leader na si Radzmil Jannatul alyas Khubayb.


Naging maayos ang pagsuko ng mga 11 ASG member sa tulong ni Hadji Samad ng MILF CCCH-GPH at ibang commander at personalidad ng MILF.


Kasamang isinuko ng mga nasabing indibidwal ang labing isang high-powered firearms na kinabibilangan ng anim na M16 rifle, isang M1 Carbine, dalawang M16A1 rifle, isang M16 rifle with M203 attached at isang M4 rifle.


Araw ng Biyernes, March 25, nang mapatay sa labinlimang minutong sagupaan sa militar ang ASG Leader na si Khubayb sa Sitio Center, Barangay Baiwas, Sumisip, Basilan. Narekober ang bangkay nito sa pinangyarihan ng engkwentro at positibong kinilala ng mga operatiba.


Pinuri naman ni Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr. ang mga tropa sa tagumpay na ito at sa walang humpay na suporta ng local government units, partners at stakeholders ng militar sa Basilan.


End.

0 views
bottom of page