top of page

116,977 NA RESIDENTE SA ZAMBOANGA CITY, TARGET MABAKUNAHAN SA NATIONAL VACCINATION DAYS

Amor Sending | iNEWS | November 29, 2021

Photo courtesy : City Government of Zamboanga


Cotabato City, Philippines - 116,977 na indibidwal ang target na mabakunahan sa tatlong araw na malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19.


Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng ZAMBOANGA, 38,992 ang target na mabakunahan kada araw mula November 29, ngayong araw hanggang December 1.


Ayon kay City Health Officer Dr. Dulce Miravite, mayroong 50 Vaccination sites sa lungsod na may manpower component mula sa City Health Office, mga pribadong institusyon,kumpanya at mga boluntaryo, na magpapatakbo sa nasabing aktibidad-


Ang mga lugar ng pagbabakuna ay binubuo ng dalawampu't apat na distritong pangkalusugan, labing pitong paaralan at mall at syam na government at private hospital.


Pinakikilos ni Mayor Beng Climaco ang mga barangay sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang matiyak ang matagumpay na turnout ng 3-araw na malawakang aktibidad ng pagbabakuna. Nanawagan din siya sa pribadong sektor na makibahagi sa pamamagitan ng paggamit sa kanilang mga gusali o magsilbi bilang boluntaryo ang kanilang mga empleyado.


Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-29 ng Nobyembre hanggang ika- 1 ng Disyembre bilang "Bayanihan, Bakunahan National Covid-19 Vaccination Days" sa pamamagitan ng Proclamation 1253 na inilabas noong ika-25 ng nobyemre.


Ang 3-araw na national vaccination drive ay naglalayong palakasin ang pagbabakuna ng bansa laban sa COVID-19 at pangungunahan ng Department of Health at DILG sa buong bansa.

10 views0 comments

Recent Posts

See All