Kate Dayawan | iNEWS | September 8, 2021
Cotabato City, Philippines - Naharang ng Zamboanga City PNP noong Lunes ang labing dalawang opisyal ng barangay mula Isabela City, Basilan matapos pumasok ng lungsod nang walang negatibong resulta ng RT-PCR test, mga permit sa spass at iba pang mga kinakailangang dokumento.
Dumating ang mga ito sa lungsod sa pamamagitan ng isang pribadong seacraft na nakadaong sa pangunahing pantalan sa lugar.
Agad na inisyuhan ng citation ticket ang mga opisyal at dinala sa hotel upang doon i-quarantine habang hindi pa lumalabas ang resulta ng kanilang RT-PCR test.
Sinabi ni City Tourism Officer Sarita Sebastian na mahaharap umano sa mga kaukulang parusa ang mga opisyal base sa alituntunin na itinakda ng local Task Force on Covid.

Photo Credit: City Government of Zamboanga