Kate Dayawan | iNEWS | December 16, 2021

Photo courtesy : MAFAR BARMM
Cotabato City, Philippines - Upang makatulong na makapagsimula, namahagi ng livelihood starter kit ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform sa labindalawang community-based organizations sa lalawigan ng Basilan sa pamamagitan ng Food and Agriculture Organization ng United Nation.
Bawat starter kit ay nagkakahalaga ang 1,849,770 pesos.
Ayon kay Director General for Fisheries Services Pendatun Patarasa, isa ito sa mga project intervention ng MAFAR kung saan maaaring makatanggap ng starter kit ang mga benepisyaryo tulad ng hand tractors with trailers, welding machines, rubber crepe machines, halal meat processing kits at repair tools.
Dagdag pa ni Patarasa na bago naging kwalipikado para sa startet kit ay sumailalim muna sa agricultural training ang mga benepisyaryo.
Mandato umano sa MAFAR ang maiangat ang kondisyon ng pamumuhay ng mga magsasakat mangingisda sa rehiyon kaya't sinigurado ng ministeryo na mabibigyan ang mga ito ng kanilang mga panimula sa buhay.
Samantala, nakatakda namang makatanggap ng kahalintulad na serbisyo ang ina pang community-based organizations sa lalawigan ng Sulu at Tawi-Tawi.