Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Malaking oportunidad umano para sa mga young leaders na ito ang masaksihan at mabigyan ng oportunidad na gawin ang mga tungkulin ng isang lider.
Anila, ang kanilang karanasan ang magiging baon nila para sa kanilang pangarap na maging isang public servant sa hinaharap.
Isa ring magandang hakbang ito para kay City Vice Mayor Butch Abu dahil nabibigyan ng pagkakataon ang mga young leaders na makibahagi at malaman kung ano nga ba ang totoong sitwasyon ng pamamahala sa gobyerno at kung paano ang proseso ng pagsasabatas at pagpapatupad ng mga polisiya sa lungsod, lalong-lalo na ang pagpapatupad ng mga adboksiya at programa para sa mamamayan.
Ang naturang selebrasyon ay pinangunahan ng Rotary Club of Cotabato East kung saan, binibigyang diin ng organisasyon ang kahalagahan ng kabataan sa nation building at ang malaking kontribusyon ng mga ito sa pagdating sa Social Services sa lipunan.
Sa ngayon, ang napiling mga kabataan ang magiging katuwang ng mga opisyal hanggang sa Biyernes.
End