top of page

120 dating MILF combatants, nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa MPOS-BARMM

Kate Dayawan | iNEWS | November 12, 2021


Photo courtesy : Ministry of Public Order and Safety


Cotabato City, Philippines - Nasa isang daan at dalawampung dating combatant ng Moro Islamic Liberation Front mula sa Camp Abubakar, Camp Omar, Camp Badre at Camp Rajamuda ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Ministry of Public Order and Safety - BARMM kahapon, November 11, na ginanap sa Em Manor Hotel amd Convention Center, Cotabato City.


Ang pamamahaging ito ay bahagi ng Peace Building Program towards Normalization ng MPOS- BARMM.


Bawat dating combatant ay nakatanggap ng sampung libong piso.


Ang mga benepisyaryong ito ay ang mga combatant na hindi napabilang sa mga combatant na isinailalim sa decommissioning process.


Inihayag naman ni MPOS Minister Hussein Muñoz ang kanyang buong suporta sa BARMM leadership upang makamit ang inaasahang normalization program ng gobyernong nasyunal at Moro Islamic Liberation Front.

22 views
bottom of page