top of page

121 DECOMMISSIONED COMBATANTS, NAGTAPOS SA SKILLS TRAINING NG MBHTE-TESD

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 17, 2022

Photo courtesy : MBHTE TESD


Cotabato City, Philippines - Matagumpay na nagtapos sa iba’t ibang skills training ang 121 decommissioned combatants na handog sa kanila ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education – Technical Education and Skills Development sa ilalim ng Normalization Program.


Kabilang sa kanilang matagumpay na natapos ay ang Cookery NC II, Pastry Making (Leading to Bread and Pastry Production NC II) at Dressmaking NC II.


Naging posible ito sa tulong ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office katuwang ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), at Task Force on the Decommissioned Combatants and their Communities (TFDCC) kasama ang dalawang Technical Vocational Institute (TVI) ng Ittihadun Nisa Foundation at Darussalam Institute of Technology, Inc.


Labis na tuwa at pasasalamat ang ipinakita ng mga nagtapos na trainees kung saan nagkaroon sila ng pag-asang magkaroon ng mas maunlad na pamumuhay gamit ang kanilang panibagong kaalaman at kasanayan.


Patuloy na ginagawa ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang lahat ng kanilang makakaya upang masigurong maibigay ang kalidad na kasanayan para sa lahat ng mamamayan.


End.

2 views
bottom of page