top of page

13.6 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa buy-bust operation sa Indanan Sulu

Kristine Carzo | iNEWS | September 22, 2021


Cotabato City, Philippines - Humigit kumulang dalawang kilong hinihinalang shabu ang nasamsam sa ikinasang buy-bust operation ngayong araw ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM sa Ummul Qura Village, Barangay Buanza, Indanan, Sulu.


Isinilid ang hinihinalang iligal na droga sa dalawang heat-sealed transparent plastic bags at may estimated value na thirteen million six hundred thousand (Php13,600,000.00). Nasamsam din sa operasyon ang buy-bust money.


Naaresto naman ang isa sa tatlong suspek na kinilala sa pangalang Yahiya, residente ng Ummul Qura Village, Barangay Buanza, Indanan, Sulu. Nakatakas naman ang dalawa pang kasamahan nito na kinilala sa pangalang Nurdalyn at isang alyas Tua Putol.


Kasama ng PDEA BARMM sa operasyon ang PDEA Regional Office IX, RIU IX, CIDG IX, SULU PPO PIU, ISAFP, NICA IX, 1st PMFC, INDANAN MPS, 7th SAB SAF, Philippine Air Force Flying School WESMIN, NISG at AKG, CTD PNP IG, 75thSAC, 72SAC at 74SAC na nagbigay ng operational support na nagresulta sa matagumpay na operasyon.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa naaresto na nasa kustodiya ngayon ng Indanan Municipal Police Station sa lalawigan ng Sulu.




Photo by: PDEA-BARMM

2 views
bottom of page