top of page

13.6 million pesos na halaga ng iligal na droga, nasabat sa buy-bust operation ng PDEA-BARMM!

Kristine Carzo | iNEWS | September 27, 2021



Cotabato City, Philippines - Sa report ng PDEA BARMM, patay ang isang suspek na kinilalang si Mirajull matapos manlaban sa inilunsad na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency - BARMM sa Parang, Sulu araw ng Biyernes, September 24.


Arestado naman ang anim na kasamahan nito na kinilalang sina Ajing, Abdu, Eyan, Ceasar, Dugasan at Mursidin.


Ayon sa report mula sa PDEA-BARMM, nakipagpalitan ng putok ang nasawing suspek sa mga otoridad.


Tinangka pa umanong tumakas ng mga suspek gamit ang mga motorized na bangka ngunit agad silang na-corner ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-BARMM, RIU IX, CIDG IX, SULU PPO PIU, ISAFP, NICA IX, 1st PMFC, Indanan MPS, 7th SAB SAF, Philippine Air Force Flying School WESMIN, NISG at AKG, CTD PNP IG, 75th SAC, 72SAC at 74SAC.


Nakumpiska mula sa mga suspek ang mahigit kumulang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na may estimated market value na 13,600,000.00 pesos, buy-bust money at mobile phone.


Nakapiit na ngayon sa Parang MPS Sulu ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




11 views
bottom of page