13 ARESTADO SA BUY-BUST KABILANG NA ANG ISANG NON-COMMISSIONED OFFICER SA BAYAN NG SULTAN KUDARAT

Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM ang isang pulis at labing dalawang drug personalities sa serye ng buy-bust operation na ikinasa sa bayan ng Sultan Kudarat at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Photo Courtesy: PDEA BARMM
Unang ikinasa ng PDEA BARMM ang buy-bust operation 5:25 kahapon ng hapon kasama ang iba pang law enforcement units sa Purok Tugunan, Barangay Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte 05:25 ng hapon, araw ng Miyerkules.
Arestado sa operasyon ang police master sergeant na kilala sa alyas na Datu Boy. Ayon sa report ng PDEA, si Datu boy ang drug den maintainer, protector at coddler ng drug group. Tiklo rin sina alyas Sumi; alyas Mike at Tony, alyas Sammy; alyas Matoy; alyas Jam; at alyas Tato.
Nakatakas naman ang isang alyas Otto o Daday, na lider ng grupo
Nakumpiska at narekober sa crime scene ang pitumpot isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets naglalaman ng mahigit-kumulang 25 grams ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride or shabu.
Ayon sa PDEA BARMM, nagkakahalaga ito ng 170 thousand pesos. Narecover din ang buy-bust money, iba’t ibang paraphernalia, tatlong mobile phones mobile phones, isang Glock 17 na mayroong serial number, mga bala at iba’t ibang identification cards.
Samantala, 09:40 naman ng gabi, araw din ng Miyerkules nang maaresto naman ng PDEA Maguindanao kasama ang PNP DEG-SOU 15 BAR, at DOS MPS ang anim na drug personalities sa in Barangay Tamontaka, Zone 3, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kinilala ang mga naaresto sa alyas na Inday Shon, isang alyas Randy, isang alyas Tony, isang Gerald, at isang alyas Romy.
Narekober sa operasyon ang labing apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na may laman ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride or shabu. Tumitimbang ito ng mahigit kumulang labing tatlong gramo at nagkakahalaga ng ₱88,400.00.
Nakuha rin sa operasyon ang buy-bust money, mga drug paraphernalia, and tatlong mobile phones.
Dinismantle din ng otoridad ang isang drug den sa lugar.
Nakapiit ang mga naaresto sa PDEA BARMM Custodial Facility habang hinihintay ang inquest proceedings sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, as amended by Republic Act No. 10640, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasama ng PDEA sa matagumpay na operasyon ang mga elemento ng 61st Mechanize company ng Philippine Army,Sultan Kudarat MPS, PNP Maritime at 1404th RMFC, RMFB 14, DOS MPS, PDEA Maguindanao Provincial Office, RSET, PDEA Lanao del Sur, and Regional Intelligence Operations Team (RIOT).