Lerio Bompat | iNEWS | September 14, 2021
Cotabato City, Philippines - Sa Report mula sa Naval Forces Western Mindanao Command, Setyembre a dies nang mailigtas ng Naval Task Force-61's 3rd Boat Attack Division na nakabase sa Naval Station Juan Magluyan sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi, ang labing tatlong pasahero ng M/L Farahmae 1, 14 nautical miles northwest ng Bongao, Tawi-Tawi.
Madaling araw ng Setyembre a dies nang mamonitor ng Littoral Monitoring Station ang isang distressed vessel at agad itong ipinagbigay alam sa 3rd Boat Attack Division.
Matapos na makatanggap ng NFWM Public Affairs Office ang report, agad dinispatch ang Multi-Purpose Attack Craft BA489.
Agad natunton ang kinaroroonan ng barko kung saan sakay nito ang labing tatlong pasahero at tripulante.
Anim na pasahero na kinabibilangan ng dalawang bata ang agad inilipat sa BA489 mula sa M/L Farahmae. Hinintay naman ng iba pang pasahero at tripulante ang rescue boat upang ligtas na makabalik ng Bongao ang barko.
Pinuri naman ni Rear Admiral Toribio D. Adaci Jr PN, Commander Naval Forces Western Mindanao ang officers and men ng NTF-61, BA489, LMS Bongao at ng 3rd BA Division dahil sa matagumpay na search and rescue operation.

Photo by: Naval Forces Western Mindanao