top of page

14 na BIFF members sumuko bitbit ang 17 high-powered firearms at explosives sa Maguindanao

Kate Dayawan | iNEWS | December 6, 2021

Photo courtesy : 6th Infantry Division - Kampilan


Cotabato City, Philippines - Boluntaryong sumuko sa Joint Task Force Central ang labing apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Upi, Maguindanao noong araw ng Biyernes, December 3.


Kasamang isinuko ng mga ito ang labing dalawang high-powered firearms at limang pampasabog.


Nasiyahan naman si MGen. Juvymax Uy sa naging desisyon ng mga indibidwal na magbalik-loob sa gobyerno at mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay


Iprinisenta ni Lt. Col. Jonathan Pondadera, Commander ng 57th Infantry Battalion ang labing apat na indibidwal sa headquarters ng 57IB, Camp Edwards, Barangay Mirab, Upi, Maguindanao. Sinaksihan naman ito ni BGen. Eduardo Gubat, Commander ng 603rd Infantry Brigade kasama sina Ustadz Abdulatip Pinagayao, Maguindanao Cultural Affairs Office Planning Officer at mga alkalde ng Upi at South Upi.


Simula Enero ng kasalukuyang taon, umabot sa mahigit tatlong daang miyembro ng BIFF at Dawlah Islamiya ang sumuko sa JTFC mula South at Central Mindanao.


Ang mga sumukong indibidwal ay natanggap na ang livelihood assistance na ipinagkaloob sa kanila ng AGILA-HAVEN Program ng Provincial Government ng Maguindanao habang ang mga bagong sumuko ay nasa proseso pa lamang ng kanilang pagtanggap upang kanilang magamit bilang panimula.

18 views
bottom of page