140 BAKA IPINAMAHAGI
PROJECT TABANG NG BARMM GOVERNMENT, MAMAHAGI NG 140 BAKA SA IBA’T IBANG KOOPERATIBA SA BARMM

Upang mas magiging produktibo ang mga magsasaka sa BARMM, namahagi ng isang daan at apatnapung baka ang Project TABANG ng Office of the Chief Minister sa ilalim ng Oplan Bangsamoro Rapid Assistance o OBRA program.
Animnapu’t walong baka ang ipimahagi sa mga labing dalawang kooperatiba ng magsasaka sa bayan ng Guindulungan, Rajah Buayan, Ampatuan, Datu Piang at Pagalungan sa Maguindanao del Sur.
Gayundin sa bayan ng Matanog at Talayan in Maguindanao del Norte, at Cotabato City. Dalawampu’t apat pa na mga baka ang ipamamahagi naman sa mga organisadong magsasaka sa Marantao, Lanao del Sur sa susunot na linggo.
Ang natitira pang mga baka ay nakatakda namang ipamahagi sa iba pang kooperatiba sa lalawigan Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, at sa 64 barangays na sakop na SGA sa Cotabato Province.
Isinusulong din ng OBRA progam ang mechanized farming sa rehiyon, pamamahagi ng farm tractors, crop threshers at transplanting facilities sa taong 2022, 2023 at 2024.
Ang Project TABANG ang isa outreach channels ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim.
Kabilang dito ang Strengthening Access to Livelihood Assistance for Marginalized-Bangsamoro o SALAM at Ayudang Medikal Mula sa Bangsamoro Government o AMBAG.