top of page

146,399 na indibidwal sa North Cotabato, fully vaccinated na kontra COVID-19!

Kate Dayawa | iNEWS | October 13, 2021


Cotabato City, Philippines - Abot na sa 146,399 na indibidwal mula sa lalawigan ng North Cotabato nag fully vaccinated na kontra COVID-19.


Ito ay ayon sa datos na inilabas ng Integrated Provincial Health Office as of 4pm ng October 12, 2021.


Katumbas ito sa 46.90% mula sa target na 312,168 na indibidwal.


Abot naman sa 151,646 ang mga indibidwal na nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.


Sa bilang nga mga fully vaccinated na, 24, 405 dito ay mga Health Care Workers; 42,674 naman dito ay mga senior citizen; 70,978 ang mga persons with comorbidities; 8,337 ang Frontline Economy Workers at 5 na kabilang sa Poor population/NHTS-PR o A5.


Samantala, sa COVID-19 tracker naman ng probinsya, umabot na sa 10,151 ang kabuuang kaso ng kumpirmadong COVID-19 cases sa lugar.


816 dito ang aktibong kaso, 8,815 ang recoveries habang 516 naman ang COVID related deaths.




5 views
bottom of page