top of page

15 LOOSE FIREARMS, BOLUNTARYONG ISINUKO NG LOCAL BARANGAY OFFICIALS NG TALITAY, MAGUINDANAO

Kate Dayawan

(Photo courtesy: Sunstar Zamboanga)

MAGUINDANAO — Labinlimang loose firearms ang isinuko ng mga local barangay officials ng bayan ng Talitay, Maguindanao sa mga otoridad noong araw ng Huwebes, April 21.


Ito ay resulta ng istriktong pagpapatupad ng PNP at AFP ng kampanya kontra loose firearms bilang paghahanda sa National and Local Elections 2022.


Kabilang sa mga isinukong armas ang dalawang 7.62 MM M14 US Rifle, isang M79 US Grenade Launcher, isang locally made 60 MM Mortar Tube, isang locally made RPG, isang locally made cal. 50 Barret Rifle, dalawang cal. .45 pistol, isang KJ9 pistol, isang cal .38 pistol, isang Magnum 357 pistol at apat na locally made 12 gauge shotgun.


Kumatawan sa pagsuko sa mga nasabing armas si Talitay Vice Mayor Mohamidin Monica kasama ang siyam na mga barangay kapitan ng bayan.


Inihayag naman ni Police Brigadier General Arthur Cabalona, Regional Director ng Police Regional Office BAR, ang kanyang pasasalamat sa suporta ng local na pamahalaan ng Talitay sa hakbang na ito kaagapay ang AFP upang masiguro na magiging ligtas, tama, patas at malaya ang eleksyon ngayong Mayo.

6 views0 comments

Recent Posts

See All