top of page

15 MIYEMBRO NG BIFF, SUMUKO SA MILITAR SA NORTH COTABATO AT MAGUINDANAO

Kate Dayawan

MAGUINDANAO - Boluntaryong sumuko ang labinlimang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa hanay ng 90th Infantry Battalion ng 602nd Infantry Brigade, 6th Infantry Division noong umaga ng Biyernes, May 20 sa bayan ng Pikit, North Cotabato at Pagalungan, Maguindanao.


Pito sa mga nasabing indibidwal ang sumuko sa Pikit, North Cotabato dahil umano sa pinaigting na combat at intelligence operations ng Joint Task Force Central sa ilalim ng pamumuno ni MGen. Juvymax Uy.


Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang isang Garand rifle na may dalawang ammunition, isang Carbine rifle, tatlong M14 Barret rifle na may dalawang magazine, isang Caliber .50 Barret rifle na may magazine at isang M203 Grenade Launcher na may dalawang ammunition.


Agad na iprisenta ng 90IB ang mga ito kay Col. Jovencio Gonzales, Commander ng 602nd Brigade at kay Pikit Mayor Sumolong Sultan sa Municipal Hall.


Ang mga sumukong indibidwal ay dati umanong mga miyembro ng BIFF-Karialan Faction.


Samantala, sa parehong araw din sumuko ang walo pang miyembro rin ng BIFF sa 90IB sa Pagalungan, Maguindanao.


Anim sa mga ito ay miyembro umano ng Bungos Faction habang ang dalawang iba pa ay mga miyembro ng Karialan Faction.


Bitbit rin ng mga ito sa kanilang pagsuko ang iba’t ibang armas at pampasaboog tulad ng IED anti-tank, IED 81 mortar at iba pa.


Pinuri naman ni MGen. Uy ang naging tagumpay ng 90IB. Ipinangako rin nito sa mga sumukong BIFF members na magtulong-tulungan ang mga kasundaluhan at local government unit upang makabalik ang mga ito sa mainstream society.


Simula Enero ngayong taon, abot na sa mahigit isang daang BIFF members ang sumuko sa militar sa Central Mindanao.

14 views
bottom of page