top of page

1500 SAKO NG BIGAS IPINAMAHAGI NG BARMM GOVT SA MGA BINAHANG RESIDENTE NG KABUNTALAN, MAGUINDANAO

JOEYLYN DELA CRUZ I iMINDSPHILIPPINES


Isang libo at limang daang sako ng bigas ang ipinamahagi ng BARMM Government sa mga residenteng binaha sa bayan ng Kabuntalan, Maguindanao Del Norte, araw ng Lunes.


Pinangunahan ni Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi) head Atty. Naguib Sinarimbo ang relief distribution at personal na sinuri ang

Photo courtesy: BARMM READi


lawak ng pagbaha sa mga komunidad na nakapaligid sa Liguasan Marsh.


Sa huling Situation report ng BARMM READ as of November 1, nasa 4,923 na mga apektadong pamilya ang naitala sa bayan ng Kabuntalan.


Patuloy ang pag ikot ng Bangsamoro Government sa lalawigan ng Maguindanao upang maipaabot ang tulong sa mga nasalanta ni Bagyong Paeng.


End

0 views
bottom of page