top of page

16 NA HUMAN TRAFFICKING VICTIMS, NILIGTAS NG NAVAL FORCES WESTERN MINDANAO SA TAWI-TAWI

Kate Dayawan

TAWI-TAWI — Matagumpay na nailigtas ng Naval Forces Western Mindanao sa pamamagitan ng intelligence operatives nito at ng Marin Battalion Landing Team 12 at iba pang partner agencies ang 16 na mga biktima ng Trafficking in Persons na sakay ng MV KRISTEL JANE 3 sa isang Joint Law Enforcement Operations sa Bongao Pier, Tawi-Tawi noong Sabado, April 23.


Sa report mula sa operatiba, mula umano sa iba’t ibang probinsya ng Luzon, Visayas at Mindanao ang mga biktima kung saan ay sabay-sabay na umalis ang mga ito mula sa Zamboanga City na nakatakda sanang maglawig via backdoor patungong Malaysia.


Nang mailigtas ng otoridad sa Bongao, agad na dinala ang mga ito sa Tawi-Tawi Maritime Police Station para sa proper documentation at maayos na disposisyon habang nagsasagawa pa ng follow-up operation ang otoridad upang mahuli na ang mga illegal recruiters ng mga ito.


Sa una quarter pa lamang ng taon, abot na sa labing isang indibidwal ang nailigtas ng Bongao Municipal Government sa pamamagitan ng kanilang Local Council on Anti-Trafficking In Persons and Violence Against Women and Children.

6 views
bottom of page