16 NA INDIBIDWAL NA SANGKOT SA IBA’T IBANG KRIMEN SA BARMM, ARESTADO

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 30, 2022

Photo courtesy : PNP PRO BAR


Cotabato City, Philippines - Mula Marso 17 hanggang 24, labing anim na indibidwal na sangkot sa iba’t ibang krimen sa BARMM ang napasakamay ng PNP.


Lima dito ang drug personalities.


Umabot naman sa 69.29 na gramo ng hinihinalang shabu na mayroong standard drug price na 471, 172.00 ang nakumpiska ng PNP BARMM mula sa iba’t ibang operasyon.


Walong wanted persons naman ang kalaboso sa inilunsad na manhunt charlie.


Labing anim na iba’t ibang armas naman ang narekober mula sa pinaigting na kampanya laban sa loose firearms.


Isa ang naaresto sa COMELEC checkpoint na nakuhanan ng baril.


Isang miyembro ng BIFF ang sumuko rin sa PNP dahil sa mas pinalakas pa na laban kontra local terrorist groups at private armed groups.


Sumuko rin sa PNP BARMM ang dating assemblyman na si Sidik Ameril at lider ng ameril private armed group kasama ang 4 na miyembro nito.


End

3 views