Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Nasungkit ni Rose Jean Ramos, ang 16-taong gulang na Zamboangueña weighlifter, ang bronze medal sa Women’s 45-kg category ng Clean and Jerk event noong October 8, 2022.
Photo courtesy : Google photos
Kasalukuyang ginaganap sa Crowne Plaza Hotel sa Manama, Bahrain ang championship event na nagsimula noong October 7, 2022 at matatapos sa October 16, 2022.
Kasama sa mga unang bumati kay Ramos sa kanyang tagumpay si Chargé d’ Affaires Anne Jalando-on ng Philippine Embassy, Labor Attaché Vicente Cabe at iba pang mga kawani ng embahada.
Bukod kay Ramos, kasama rin sa Philippine delegation sa sporting event na ito sina Monico Puentevella, Pangulo ng Samahang Weightlifting sa Pilipinas, Coach Roberto Francisco Colonia at atletang si Fernando Agad, Jr.
End