161 miyembro ng MILF, AFP at PNP, sumailim sa Joint Peace and Security Team training

Kristine Carzo | iNEWS | September 8, 2021


Cotabato City, Philippines - Bilang bahagi ng peace agreement ng pamahalaan at Moro Islamic liberation front, pormal na isinagawa kahapon araw ng Martes ang ikatlong Joint Peace and Security Team training o JPST sa Police Regional Office Head Quarter sa Parang Maguindanao.


161 na mga miyembro ng MILF, PNP AT AFP ang magkasamang nagsanay. 74 sa mga ito ay mula sa hanay ng AFP at PNP habang 87 naman ang mula sa MILF na pangangasiwaan mismo ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.


Ang mga kasapi ng JPST ay maatasan bilang peacekeepers katuwang ang mga sundalo at police sa mga lugar sa Maguindanao.



Photo credit: PROBAR

12 views