top of page

17 BAHAY TINUPOK SA POBLACION 4, COTABATO CITY

Mr. Jay M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 29, 2022


Cotabato City, Philippines - Alas tres ng hapon, araw ng Lunes, March 28, 2022 nang lamunin ng apoy ang labimpitong mga bahay sa Purok Malipayon, Barangay Poblacion 4, Cotabato City.


Ayon kay FO2 Anthony Henilo, Community Relation Staff ng BFP Cot City Fire Station, madaling kumalat ang apoy sa mga bahay dahil yari ang mga ito sa semi-light materials.


Tinatayang nasa limang daang libong piso ang halaga ng mga ari-ariang tinupok. Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa sunog.


End

1 view
bottom of page