top of page

170,000 NA ILIGAL NA DROGA, NASAMSAM NG PDEA-BARMM SA MARAWI CITY; 3 INDIBIDWAL, ARESTADO!

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Kulungan ang bagsak ng tatlong lalaki sa ikinasang Anti-Illegal Drug Operation ng PDEA BARMM sa Barangay Papandayan, Marawi City nitong September 23. Kinalas din ng otoridad ang isang drug den sa lugar.


Sa report mula sa PDEA-BARMM, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Alyas Amblan, ang may ari ng drug den; Alyas Racman; at Alyas Sailani habang nakatakas naman ang kasama nito na si Alyas Hapon.


Narekober din sa pag-iingat ng mga suspek ang nasa dalawampu’t tatlong pakete ng hinihinalaang Shabu na nagkakahalaga ng nasa 170, 000 pesos, buy bust money, cellphone, IDs, at drug paraphernalia. Sa ngayon, tinutugis na ang nakatakas na si aLyas Hapon at nasa kustodiya na ng PDEA BARMM Jail Facility ang tatlong suspek at nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


0 views
bottom of page