18 ROF'S MATAGUMPAY NA NASUNDO NG MAKABAGONG MAGUINDANAO MEDICAL TEAM

Amor Sending | iNEWS | November 26, 2021

Photo courtesy : Makabagong "PDRRMO" Maguindanao


Cotabato City, Philippines - Mula November 19 hanggang November 24, 2021 abot na sa ISANG DAAN AT LIMAMPU'T SYAM NA RETURNING OVERSEAS FILIPINO'S ang nasundo ng Maguindanao Emergency Medical Technicians, pinaka huli rito ang labing walong ROF'S.


Mula sa paliparan ng General Santos City, binibigyan ang mga ito ng pagkain at inaasikaso ang kanilang mga bagahe bago magtungo sa Maguindanao Covid – 19 Isolation Facility upang I monitor.


Ang inisyatibong ito ay ayon sa layunin ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na makauwi ng ligtas ang mga Returning Overseas Filipino’s sa kani-kanilang pamilya.

5 views