top of page

182 DRIVERS NG MOTORSIKLO AT TRICYCLE SA PIKIT COTABATO HINULI NG PNP

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Ikinasa ng Cotabato Police Provincial Office ang Enhance Managing Police Operation o Lambat Bitag Sasakyan sa iba’t ibang strategic areas ng Pikit Cotabato ngayong araw.


Nagsimula ang operasyon alas nuebe hanggang ala onse ng umaga. Pinangunahan ni PMAJ Argie Celeste ng

Photo courtesy: PRO 12


CPPO ang Lambat Bitag Sasakyan kasama ang mga elemento ng Pikit PNP sa ilalim ng pamumuno ng bagong talagang hepe ng pulisya sa bayan, PLTCOL John Miridel Calinga. Nakiisa rin ang iba pang istasyon ng PNP sa probinsya sa nasabing operasyon.


Ayon kay Deputy Provincial Director for Operations LTCOL Bentio Rotia, 130 drivers ng motorsiklo at 52 drivers ng tricycle ang hinuli dahil sa iba’t ibang traffic violations. Inimpound naman ng otoridada ang mga sasakyan na itinurn-over sa Pikit PNP para sa proper disposition at temporary custody.


Pinayuhan naman ang mga driver at may-ari ng mga tricycle at motorsiklo na bayaran ang kanialng multa sa Treasurer’s Office ng Pikit LGU. Isasailalim din sa masusing beripikasyon ang mga sasakyan bago ito i-release sa may-ari.


Magpapatuloy ang Lambat Bitag Sasakyan sa Cotabato Province at nanawagan ang otoridad sap ubliko na suportahan ang kampanya ng PNP laban sa krimen.


Matatandaan na anim residente ng Pikit ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril at pagpapasabog ng granada noong nakaraang linggo.


Lumikas din ang mga residente ng Barangay Calawag kasunod ng paglusob at pagpapaputok ng baril ng mga armado sa mga bahay sa lugar.


Bumuo na ng Municipal Peace and Reconciliation Committee ang LGU bilang tugon sa serye ng karahasan at nang hindi na maulit pa ang mga naitalang krimen sa bayan.


End

0 views
bottom of page