Amor Sending | iNEWS | November 19, 2021

Photo courtesy : City Government of Zamboanga
Cotabato City, Philippines - Sa isinagawang operasyon ng PNP ZAMBOANGA mula 5pm of November 16 hanggang 5pm of November 17, 182 ang naitalang paglabag sa safety and health protocols ang ZCPO-
kung saan apat dito ay may kinalaman sa hindi pagsunod sa physical distancing, 48 curfew offenses, 24 naman dito ang hindi pagsusuot ng face mask, 36 ang walang valid ID at quarantine pass, 3 paggamit ng hindi awtorisadong helmet, 15 hindi pagsusuot ng face shield at 52 na hindi awtorisadong tao sa labas ng tirahan
Ang naturang operasyon ay bahagi ng pagpapaigting ng mga tauhan ng ZCPO sa pagpapatupad ng batas partikular na ang safety and health protocols sa lungsod, upang masigurong ligtas ang mga mamayan sa banta ng COVID-19 VIRUS.