Kate Dayawan | iMINDS Phils | February 17, 2022

Photo courtesy : Babai A Kasaligan
Cotabato City, Phils - Bilang pagtupad sa pangako ng gobyerno sa kanilang pagbabalik-loob, natanggap na ng 183 former violent extremists ng livelihood assistance na ipinagkaloob sa kanila ng Provincial Government ng Maguindanao sa pamamagitan ng AGILA-HAVEN program.
Kahapon, February 16, isinagawa ang mass awarding ng livelihood assistance sa 6th Infantry Division Grandstand, Camp Siongco, Awang,Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Nanguna sa nasabing pamamahagi ang mag-asawang gobernador na sina Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu at Sultan Kudarat Governor Suharto “Teng” Mangudadatu.
Naging panauhing pandangal naman si Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Sa pahayag ni Sec. Lorenzana, sinabi nito na isa umano ang AGILA-HAVEN Program ng Makabagong Maguindanao sa mga ipinagmamalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Taas-noo naming ibinida ni Gov. Mariam ang mga dating rebelde na ngayon ay kasapi na ng AGILA-HAVEN program.
Kabilang sa mga natanggap ng mga FVE ay ang relief goods, farm equipment at motorsiklo na magagamit ng mga dating rebelde sa kanilang pagbabagong buhay.
End.