top of page

2 arestado matapos na maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa Bongao, Tawi-Tawi

Kate Dayawan | iNews | November 3, 2021


Cotabato City, Philippines - Hindi na nakapalag pa ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas Bodoy at Binging nang hulihin ng mga personnel ng Bongao Municipal Police Station matapos na maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa Badjao Village, Barangay Pag-asa, Bongao, Tawi-Tawi noong Lunes, November 1.

Sa report mula sa Tawi-Tawi Provincial Police Office, nagpapatrolya noon ang mga kapulisan ng Bongao MPS nang makatanggap ng report na di umano'y mayroong nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa nasabing lugar.


Nakumpiska mula sa posesyon ng dalawa ang 17.6 grams ng hinihinalang shabu na may estimated value na 119,680 pesos.


Ang matagumpay na operasyon ito ay kasunod ng ilan pang mga matagumpay na operasyon ng PNP PRO-BAR na nagresulta sa pagkakakumpiska sa isang kilong cocaine na nagkakahalaga ng 5.3 million pesos sa Sitangkai, Tawi-Tawi noong October 29, 2021, pagkakasabat rin ng 16.15 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 109,820 pesos at pagkasamsam sa 13 grams na shabu na nagkakahalaga naman ng 88,400 pesos sa Marawi


Sinabi naman ni PBGen. Eden Ugale, Regional Director ng Police Regional Office - BAR, na mas paiigtingin ng PRO BAR ang kanilang kampanya laban sa mga sindikato ng droga, suppliers, peddlers at lahat ng indibidwal na sangkot sa iligal na droga.

Hinikayat naman nito ang mamamayang Bangsamoro na patuloy na suportahan ang kanilang kampanya at aktibidad na may kinalaman sa kampanya laban sa iligal na droga tungo sa pagkamit ng mapayapa, masagana at drug free Bangsamoro region.




1 view
bottom of page