top of page

2 arestado sa buy-bust operation ng PNP sa Pigcawayan, North Cotabato

Kate Dayawan | iNEWS | November 25, 2021

Photo courtesy : PRO 12 - Public Information Office


Cotabato City, Philippines - Timbog ang dalawang kalalakihan matapos na mahuli sa bitag ng Drug Enforcement Unit ng Pigcawayan Municipal Police nang ilunsad ang isang drug buy-bust operation sa Barangay Tubon, Pigcawayan, North Cotabato noong Martes, November 23.


Kinilala ang mga naarestong indibidwal na sina alyas Jholamin, 32 anyos, magsasaka, residente ng Sitio Damalige, Barangay Satan, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao at Alikan, 31 anyos at residente ng Barangay Tugal, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.


Dahil sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ng PNP, nakumpiska mula sa mga suspek ang isang medium size heat-srat transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may estimated market price na mahigit kumulang 340,000 pesos.


Bukod pa rito ay nakuha rin ang isang genuine one thousand peso bill kasama ng limampu't isang one thousand peso bill na boodle money na ginamit bilang mark money.


Pinuri naman ni PBGen. Alexander Tagum, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang operating unit sa matagumpay na operasyong ito.


Hinikayat naman nito ang publiko na lumayo sa iligal na droga dahil makakasira lamang ito sa kinabukasan ng mga Filipino



40 views
bottom of page