2 arestado sa pamemeke ng vaccination card sa Sulu
Kate Dayawan | iNEWS | November 19, 2021

Photo courtesy : PRO-BAR
Cotabato City, Philippines - Kulungan ang bagsak ng dalawang indibidwal na natuklsanag peke ang vaccination card ng mga nito habang naghahain para sa NAPOLCOM Examination sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu, kahapon , November 18.
Ang mga suspek ay isang bente uno anyos na lalaki at isang bente tres na babae at kapwa residente ng lalawigan.
Sa report mula sa Police Regional Office - BAR, habang nagpa-file para sa NAPOLCOM Examination, ipinakita ng mga suspek ang kanilang vaccination card sa mga kawani ng Integrated Provincial Health Office at Sulu Provincial Government na nagbabantay sa screening sa Sulu Provincial Gymnasium.
Nang beneripika ng mga otoridad ang mga vaccination card, napag-alamang peke pala ang mga ito at hindi makita sa opisyal na listahan ng mga nagbakunang indibidwal ang pangalan ng dalawang suspek.
Itinurn-over ang dalawa sa pulisya at dinala sa Patikul Municipal Police Station para sa wastong disposisyon at pagpataw ng Falsification of Public Documents.
Nagbabala naman si PBGen. Eden Ugale, Regional Director ng PRO-BAR, sa mga indibidwal na nagpi-print at nagpapakita ng pekeng medical certificates kabilang na ang COVID-19 Test Results at COVID-19 vaccination cards.
Batay sa Revised Penal Code, ang isang public officer, employee o notary na nahatulang guilty sa pamekeke ng public document ay maaaring makulong ng hanggang labing dalawang taon. Habang ang mga pribadong indibidwal naman na nahatulan ng kahalintulad na krimen ay maaaring makulong ng hanggang anim na taon.