top of page

2 ASG SUMUKO | 11 ARMAS ISINUKO


Photo Courtesy: Western Mindanao Command, AFP

MGA RESIDENTE MULA SA IBA’T IBANG BARANGAY NG AL-BARKA, ISINUKO ANG 11 ARMAS SA MILITAR


Zamboanga City - Labing isang loose firearms mula sa iba’t ibang residente ng Al-Barka, Basilan ang isinuko sa militar sa pagpapatuloy ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Program ng gobyerno. Dalawang miyembro naman ng Abu Sayaff ang sumuko rin sa gobyerno.


Isinuko sa militar ng mga residente mula sa iba’t ibang barangay ng Al-Barka, Basilan ang labing isang loose firearms, a dise sais ng Mayo.


Dalawang miyembro rin ng Abu Sayaff mula sa Barangay Bato-Bato ang sumuko.


Bahagi pa rin ito ng patuloy na suporta ng local government sa kampanya ng Joint Task Force Basilan laban sa loose firearms at sa Small Arms and Light Weapons (SALW) Program ng gobyerno.


Kabilang sa mga armas na isinuko ang isang M1 Carbine, isang M1 Garand, isang Shotgun, dalawang KG9 Sub-Machine Guns, isang M79, at limang M203 40mm Grenade Launchers.


Isinuko naman ng dalawang ASG members ang isang M1 Garand rifle at isang M16 rifle.


Ang mga isinukong armas at sumukong ASG members ay iprenisinta kay Joint Task Force Basilan Commander Brig. Gen. Domingo Gobway, kinatawan mula sa Provincial Social Welfare and Development Office at Provincial Governor’ office.


Ang pagsuko ay isinagawa sa 18IB headquarters sa Barangay Campo Uno, Lamitan City, Basilan.

3 views0 comments