2 CTG member, sumuko sa JTFC sa South Cotabato
Kate Dayawan | iMINDS Phils | February 17, 2022

Photo courtesy : 6th Infantry Division
Cotabato City, Philippines - Muli na namang nadagdagan ang bilang ng mga sumukong miyembro ng Communist Terrorist Group sa Joint Task Force Central.
Ito’y matapos na sumuko ang dalawang iba pa sa 5th Special Forces Battalion ng Joint Task Force Central sa Barangay Lambini, Banga, South Cotabato February 12.
Kabilang ang dalawang sumuko sa Platoon Samsung, Guerilla Front 73, Far South Mindanao Region kung saan kasamang isinuko ng mga ito ang isang 5.56mm (Colt) M16A1 Rifle, isang Cal .30 (Springfield) M1 Garand Rifle at dalawang Hand Grenade.
Pinuri naman ni Major General Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, ang 5th Special Forces Battalion at Local Government Unit ng Banga, South Cotabato.
Aniya, inaasahan umano ng JTFC na magtutuloy-tuloy ang pagsuko ng mga miyembro ng CTG dahil sa panaigting nitong kampanya kontra communist terrorist group sa pakikipagtulungan ng mga stakeholders at local community leaders.
Dagdag pa nito na hindi titigil ang JTFC sa pagsasagawa ng mga operasyon upang tugisin ang mga komunistang teroristang nang sa ganoon ay maiwasan na ang anumang karahasan laban sa komunidad.
Sa kasalukuyan ay isinasailalim na sa custodial debriefing ang dalawang sumuko at nakatakdang i-enroll sa ilalim ng E-CLIP para sa livelihood at financial assistance.
End.