2 estudyante ng MSU-Marawi, patay sa pamamaril

Kate Dayawan | iNEWS | September 16, 2021


Cotabato City, Philippines - Patay ang dalawang estudyante ng Mindanao State University – Marawi City Campus matapos na pagbabarilin ng Riding-in tandem suspects sa loob mismo ng paaralan, Martes ng gabi, September 14.


Kinilala ang dalawang biktima na si Hamza Rauf, isang physical education student at ang civil engineering student na si Zinal Omar, parehong nasa third year college na.


Ayon sa hepe ng Marawi City Police, LtCol. Nelson Madiwo, inatake ng dalawang armadong lalaki ang mga biktima sakay ng motorsiklo na walang plaka pasado ala sais ng gabi sa commercial center ng MSU campus.


Sinabi ni Madiwo na mayroon na silang impormasyon sa dalawang suspek.


Natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang apat na empty shells mula sa .40 caliber pistol.


Hustisya ang sigaw ng pamilya ng mga biktima.


Kinondena naman ni Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr. ang insidenteng ito at nagpaabot ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.




27 views